Tekst piosenki: The Filharmonic - Kilometro
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Bakit nga ba itong agwat natin
Pero habang merong bumabalakid
Ang pag-ibig lumalalim
Pero pag humahaba ay lalo kitang sinisigaw
Maging ang laot walang takot na tawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Ikaw lang ay makapiling
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Sumasalungat ang daigdig
At tayo'y di magkasalubong
Oh, dapat na ba kong makinig
Magpadala na sa daluyong
Inanod, inagos at halos hindi ka na matanaw
Pagtapos mabalot ng galos
Sigaw pa rin ay ikaw
Maging ang laot walang takot na tawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Ikaw lang ay makapiling
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong tahakin ang kilome, kilome
Maging ang laot walang takot na tawirin
Kahit alon ay umabot sa papawirin
Ikaw lang ay makapiling
Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli,
Sa huli ay tayo
Kung kailangan kong hatakin ang kilome, kilome
Sprawdź interpretację na Wersuj.pl
Dodaj adnotację do tego tekstu »
Historia edycji tekstu